"KUNG MAKAMIT MO ANG IYONG KALAYAAN WAG MO RIN KALIMUTAN ANG RESPONSIBILIDAD MO"
Bawat isa sa atin ay may sariling kahulugan kung ano ang ibig sabihin ng kalayaan. Para sa akin isa sa rason na maging malaya ay ang pagiging masaya at walang nagkokontrol sa ginagawa mo. Bilang isang mamamayan, bawat isa saatin ay may karapatan na gawin kung ano ang nakakapagpapasaya sa atin.
Pero di lahat ng ikakasaya mo ay ikakasaya rin sa iba. Huwag din natin limutan ang salitang responsibilidad ng bawat isang mamamayan. Kung gagawa ka na ng isang bagay dapat mag-isip ka muna bago mo ito gawin kasi kung gagawa ka ng isang bagay iisipin mo muna kung ano ang sanhi o bunga nito dahil hindi lahat tayo ay kaparehas ng pag-iisip. Kaya napili ko ang sawikaing "KUNG MAKAMIT MO ANG IYONG KALAYAAN WAG MO RIN KALIMUTAN ANG RESPONSIBILIDAD MO" dahil karamihan sa atin kapag nasobraan inaabuso na ito at hindi na nagiisip kung nakakasama ba ito sa paligid natin. Tandaan natin may batas parin na dapat nating sundin.
Bawat tao dito ay malaya, may responsibilidad at mga tungkulin na dapat sundin. Dapat lahat ng tao ay maging responsable at palaging nagiisip muna bago kumikilos sa isang bagay. Lahat ng hinaharap natin ay dadaan talaga sa ibat-ibang uri, maari maging tama o mali dahil nakakasalalay sa atin kung ano ang magiging desisyon natin. Para saakin ang kalayaan ay hindi bagay sa iisang tao lamang kundi para din ito sa kapakanan ng lahat.
Comments
Post a Comment