HALAGA NG BUHAY

     

Para sa iyo ano ang kahalagahan ng buhay?

Ang buhay ay napakahalaga dahil ito ay isang biyaya na ibinigay ng Diyos na dapat natin ingatan. Ibinigay ito sa atin upang magampanan natin ang kani-kaniyang mga responsibilidad na naaayon sa gusto ng Diyos. Hindi ito dapat sayangin dahil iisa lamang ang ating buhay.


Ano kaya ang iyong purpose sa mundong ito?

Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang purpose sa mundong ito. Ako bilang isang tao ay ang purpose ko ay ang gawin ang utos ng Diyos. Gampanan rin ang tungkulin sa pamilya, pahalagahan ang mga tao at tumulong sa mga taong nangangailangan upang tayo rin ay tulungan pabalik.


Para kanino ka nabubuhay?

Ako ay nabubuhay para sa aking kapwa upang tumulong sa kanila. Tulungan silang gampanan ang kanilang mga responsibilidad at layunin sa mundo. At mas lalong nabubuhay ako para sa aking sarili, upang matupad ko ang mga bagay na gusto kong gawin at gusto ng Diyos.

Comments

Popular posts from this blog

JOURNAL ( DISKRIMINASYON)

DISKRIMINASYON